Full Text of Pnoy's 6th and Last SONA
Image courtesy of www.flickr.com State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines To the Congress of the Philippines [Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City, on July 27, 2015] Maraming salamat po. Maupo ho tayo lahat. Bago po ako magsimula, hihingi ako ng paumanhin, dahil hindi natin nagawa ang tradisyonal na processional walk. Hindi na rin po natin nakamayan ang lahat ng nag-abang. Medyo masama po kasi ang ating pakiramdam sa kasalukuyan. Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Senate President Franklin Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal